Ben Tulfo, napikon sa mga sinabi ni Vice Ganda?

Ben Tulfo, napikon sa mga sinabi ni Vice Ganda?

Napikon nga ba ang radio at TV personality na si Ben Tulfo sa mga naging pahayag ni Vice Ganda?

Ito ang naging katanungan ng mga netizen matapos ang mga birada nito sa komedyante.

Matatandaan kasi na sa isang episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, ay may nasabi ang komedyante tungkol sa mga ipokritong tao.

Aniya, “Post ka nang post ng mga Bible quotes sa social media pero sumusuporta ka naman sa magnanakaw.”

Walang tinukoy na partikular na tao si Vice sa nasabing pahayag.

Ilang netizens pa nga ang napaisip kung may kinalaman nga ba ito sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kaibigan nitong si Toni Gonzaga dahil sa interview nito kay Bongbong Marcos.

Naging palaisipan tuloy sa mga netizens kung bakit kailangang sumagot ni Ben Tulfo gayong wala namang binanggit na pangalan ang komedyante.

Narito ang ilan sa mga naging pahayag ni Tulfo.

“Vice Ganda, kung nakikinig ka, at kung sinumang mga alipores mo, mga chuwariwariwap mo sa mga palabas mo, para sa ‘yo ‘to!”

“Kami ho sa Bitag Multimedia Network, nabubuhay ho kami doon sa bible verse na pinanindigan ho namin eh.

“Hindi ho kami basta nagpo-post na hindi namin pinaniniwalaan ‘yung aming mga pino-post.

“May iba, pino-post ho nila sa dahilang sila ho’y nai-impress, nagagandahan sa kanilang nababasa, o sa kanilang nakukuha sa bibliya.

“Hindi ho relihiyon ang pinag-uusapan. Prinsipyo ho ito—adbokasiya.. Hindi ho kami basta bumubula ang bibig na pa-eche-eche, chuwariwariwap, chorva-chorva.

 “Vice, idikd.ik mo sa mukha mo ‘to. Pakinggan mo ‘to!

“Kaya ka nalalagay sa alanganin, put0k sa buho ka. Mukhang yokababs ka na.

“Sa mga sinasabi mo, pekendus ka naman eh. Hindi ka totoo!

“‘Yung mga taong totoo kapareho ng Bitag, kami, makikipagbsagan ng mukha.  ‘Yung mukha mo na ‘yan, parang manika na pekendos.

“‘Pag tinamaan ka, yari ka. Huwag na huwag mong sasabihin uli; hindi mo idye-generalize!

“Kasi kami, we feel, ‘yung mga sinasabi mo, parang pati kami, hagip d’yan. Dapat, nilinaw mo.”

Nag-react naman ang ilang netizens hinggil dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Bakit nagreact kung di ka naman guilty?”

“Ang sabi ni Vice ay yung mga taong mahilig sa Bible quotes at sumusuporta sa magnanakaw. So, sinong sinusuportahan mong magnanakaw?”

“Eh di umamin kang sumusuporta sa magnanakaw?”

“Gulo mo. Intindihin mo nga ang sinabi niya.”

“Sinasakyan na naman ang issue para mapag-usapan Hayy…”

“Ano bang ipinuput0k ng butse nito?”

“Comprehension left the group.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *