Catriona Gray, trending dahil sa isang blooper sa Binibining Pilipinas 2021

Catriona Gray, trending dahil sa isang blooper sa Binibining Pilipinas 2021

Trending si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil sa isang nakakaaliw na blooper sa katatapos na Binibing Pilipinas 2021.

Kasama si Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordovez, host ng coronation night si Catriona.

Si Catriona ang naatasang mag-announce ng Top 13 finalists.

At dito nga nangyari ang trending blooper.

Isa sa mga nakapasok sa Top 13 si Meiji Cruz ng Valenzuela City.

Ngunit nang ini-announce ito ni Catriona, sa halip na Valenzuela ay Venezuela ang nasabi niya.

Hindi ito nakalusot sa mga manonood kung kaya’t agad na naging trending topic sa Twitter ang nasabing eksena.

Narito ang ilan sa mga tweets tungkol sa nasabing eksena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *