Cindy Miranda, dinepensahan ang sarili sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Cindy Miranda, dinepensahan ang sarili sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Ang beauty queen-turned-sexy actress na si Cindy Miranda ang bida sa pelikulang Nerisa ng Viva Films.

Leading man niya dito si Aljur Abrenica.

Sexy ang tema ng pelikula at hitik ito sa maseselang eksena gaya ng ilang ipinakita na sa teaser nito.

Kaya naman ilang netizens ang hindi naiwasang bigyan ng malisya ang mga eksenang ito at ituro si Cindy bilang third party sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur at Kylie Padilla.

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang hiwalayang ito at ang pagkakaroon umano ng third party na naging sanhi ng hiwalayan.

Maagap ang mga netizens at mabilis na itinuro ang leading lady ni Aljur na si Cindy.

Sa Instagram naman ay game na sinagot ni Cindy ang mga paratang na ito.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens ang ang mga naging reply ng sexy actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *