Groom, kinaaliwan ng netizens sa pagiging ‘mahiyain’

Groom, kinaaliwan ng netizens sa pagiging ‘mahiyain’

Viral ngayon sa Facebook ang video ng performance ng isang newly-wed couple.

As of this writing ay mayroon nang 8.3 million views ang video na ini-upload ng Facebook page na Creative Parallax.

Sa nasabing video, makikitang kausap ng emcee ang mga bagong kasal para sa kanilang intermission number.

Sa simula ay tila napapakamot pa ng ulo ang groom na parang hindi nito gustong sumayaw.

Pero nang nagsimula nang tumugtog ang awiting “What is Love” ng TWICE, ay biglang nagbago ang mood nito.

Biglang naging masigla at tumodo ng hataw kasabay ng bride.

Ayon sa nag-upload ng video, scripted daw ito at sinadya upang magbigay ng saya sa mga panauhin noon sa kasal.

“yes po it was scripted, just did to add fun  para sa 50 special guests nila sa venue, and now milyon na po ang napapasaya nila. Sobrang salamat po senyong lahat na natuwa at natawa at naka appreciate ng humble surprise nila. Go bless po. 🙏”

Nagbigay rin ng good vibes ang nasabing video sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Nakakatuwa.   The bride knew it na marunong sumayaw si groom Ng WIL kaso palaging for her eyes only and she is proud to show it to the world na fanboy Yun groom nya.  Feeling ko pag nagtatampo si bride sinasayawan siya kaya natutuwa siya.  Kaya pinilit niya on their wedding day to show off.   Galing naman ni groom. Congratulations Fanboy groom and the bride”

“Yung tipong shy lang si Groom pero mas magaling pang sumayaw sa bride. 😄 He nailed it!”

“kung ndi ko talaga mapipilit groom ko sumayaw ng WIL sa kasal namin ,humanap na sya ng bagong papakasalan👍“

“Tawang tawa tlga q dto hahaahah ilang beses q n pinanood hayop🤣🤣🤣🤣🤣🤣”

“Galing….nakakatuwa parang vong navaro lng Kung humataw….congratulations and best wishes to the new couple!!”

“Yung mas may pilantik pa yung groom kesa sa bride 😂😂😂”

“Mahiyain pala ah, mas malambot pa katawan ni groom🤣.. congrats & best wishes”

“Pinilit pala ha 😂😂 hataw na hataw nga eh mas mahataw pa kesa sa bride 😆😆”

“cute nman mas malambot p bewang ni groom kesa ky bride.✌️mgling nman sumayaw.☺️“

“nagulat ako paghataw ni groom. haha. Infairness nakakatuwa❤🤗 Congratulations both”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *