‘Hipon Girl’, idinaan sa TikTok ang pagsagot sa isyu na nabuntis siya ni Willie Revillame

‘Hipon Girl’, idinaan sa TikTok ang pagsagot sa isyu na nabuntis siya ni Willie Revillame

Idinaan na lang ni Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” sa pagsayaw sa TikTok ang pagsagot sa intriga na nabuntis umano siya ni Willie Revillame.

Matatandaang kamakailan lang ay lumutang ang usapin na nabuntis umano siya ng Wowowin host kung kaya’t naglaho siya sa show bilang isa sa mga co-hosts.

Sinagot na rin ito mismo ni Willie sa isa sa mga episodes sa nasabing GMA show.

Pinabulaanan niya ang issue at sinabing fake news lamang ito.

Nag-post naman si Hipon Girl sa TikTok ng ilang videos kung saan makikita siyang naka-swimsuit at nagsasayaw sa gilid ng swimming pool.

Tila ipinapakita niya ang flat na tiyan at seksing pangangatawan para pabulaanan ang isyu ng pagbubuntis.

Nilagyan pa niya ito ng caption na “BUNTIS PA MORE.”

Panoorin dito ang nasabing video.

@herlene_budolBUNTIS PA MORE ##fypシ ##fyp ##foryourpage♬ Baby Ko Si Pash Pash – guthrie

Sa kasunod na video naman ay makikita siyang nakasuot pa rin ng swimsuit habang nakatayo at pabirong naglalakad at gumigiling.

@herlene_budolGTA NYO BUNTIS ##fypシ ##fyp ##foryourpage♬ San Andreas Theme Song – Young Maylay

Hindi man niya direktang sinagot ang isyu ay tila sapat nang katibayan ang video para patunayan na fake news nga lamang ang nasabing balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *