Jason Abalos, ayaw ipanood sa girlfriend na si Vicky Rushton ang sariling pelikula

Jason Abalos, ayaw ipanood sa girlfriend na si Vicky Rushton ang sariling pelikula

Wala raw balak si Jason Abalos na ipanood sa kasintahang si Vicky Rushton ang pelikulang Silab na pinagbibidahan nila nina Marco Gomez at Cloe Barreto.

Ito ay dahil na rin sa ilang maseselang eksena nina Jason at Cloe sa nasabing pelikula.

”Baka ma-shock siya sa mga mapapanood niya.”

Ito ang nasabi ni Jason nang tanungin siya sa posibleng maging reaksiyon ni Vickie kapag napanood ang mga maseselang eksena niya.

Sa trailer pa lang kasi ng pelikula ay hitik na sa mga mapangahas na eksena ang pelikula.

Maliban sa mga kissing scenes, matapang na nagpakita ng kahubdan ang mga bida.

Ito marahil ang dahilan kung bakit ayaw ni Jason na mapanood ng kasintahan ang pelikula.

Bagama’t streaming na sa Vivamax ang nasabing pelikula, patuloy pa ring humahakot ng views ang trailer nito na nasa YouTube at Facebook.

Patuloy pa rin kasing pinag-uusapan ang mga mapupusok na eksena.

Narito ang ilang komento ng mga netizens.

“Grabe! Nauso na naman ang mga ganitong pelikula.”

“Tiba-tiba na naman ang VIVA sa mga ganitong movies.”

“Nabuhay ang mga ganito na nauso noong 90s. Panahon ng Seiko Films at ni Rosanna Roces. Hahaha”

“Grabe ang mga eksena. Iisipin mo talagang totoo. Makatotohanan.”

“Walang hiya-hiya ang mga bida. Ipinangalandakan talaga.”

“My eyes! Huhuhu!”

“Kung ako man ang jowa, baka magselos ako. Hahahaha!”

Dahil hindi na sakop ng Movie and Televison Review and Classification Board o MTRCB ang mga pelikulang ipinapalabas sa mga streaming sites at iba pang online platforms, naging mas mapangahas na ang tema ng mga pelikula ngayon.

Mas malaya na nilang nagagawa ang mga eksenang dati-rati ay siguradong mapapansin at posibleng pag-initan ng nasabing censorhip body.

Ito marahil ang dahilan kung bakit tila muling nabuhay ngayon ang mga pelikulang may ganitong tema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *