Pinoy netizens, nag-react sa ranking ng Filipino food na inilabas ng isang food guide

Pinoy netizens, nag-react sa ranking ng Filipino food na inilabas ng isang food guide

Naglabas ang food guide na TasteAtlas sa Facebook ng ranking ng mga pagkaing Pinoy.

Base sa kanilang listahan, kinilalang “best” ang lumpiang shanghai, sinigang, at tocino.

Bagama’t pare-parehong nasa category na “best” ang tatlo, nanguna sa listahan ang lumpiang shanghai.

Pumangalawa naman ang sinigang, at pumangatlo ang tocino.

Matatandaang ang TasteAtlas rin ang kumilala kamakailan sa sinigang bilang “number 1 best rated vegetable soup in the world.”

PHOTO: panlasangpinoy.com

Samantala, itinuring naman nilang “great” ang sisig, adobo, at lechon.

PHOTO: panlasangpinoy.com

“OK” naman ang nakuhang rating ng daing, pinangat, at torta.

Itinuring namang “worst” ang balut, dinuguan, at pinipig.

PHOTO: panlasangpinoy.com

Kapansin-pansin na bagama’t kilala ang balut bilang isang sikat na Pinoy exotic food, ito ang nakakuha ng pinakamababang ranking sa lahat ng pagkaing inilista nila.

Dahil sa inilabas nilang listahan, hindi naiwasan ng ilang Pinoy netizens na mag-react tungkol dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Lumpia is life! Hindi talaga pwedeng wala niyan sa mga handaan at kaina. Hahaha!”

“Uy, masarap kaya ang dinuguan! Bakit nasa worst?”

“Lechon ang tunay na hari sa mga handaan at hindi lumpia.”

“Ayoko din naman masyado ng pinipig. Pero di naman kasi kinakain yun ng solo lang.”

“Agree ako sa nagsabi na wala dapat sa worst ang dinuguan. Baka di lang masarap ang luto nila. Haha”

“Sinigang talaga ang dapat nanguna diyan.”

“Walang mayonnaise at egg ang sisig. Mali ang nakain nila. Hahahaha”

“Pansin nyo ba na parang out of place ang pinipig? Baka kasi kinain nila ng ganun lang ang pinipig. Haha! Inihahalo dpat yun sa ibang pagkain gaya ng halo-halo.”

“Ang baba naman ng ranking ng lechon! Di ako papayag dyan!”

“Bakit kasi may itlog ang sisig? Huhu”

“Andami pang pagkain na masasarap na wala sa listahan!”

“Tocino? For real? Haha! Lasang pambata.”

“Syempre iba ang panlasa nila kaya hindi kagaya ng ranking para sa atin.”

Ikaw, payag ka ba sa naging ranking ng mga pagkaing Pinoy?

Alin dyan ang dapat na nanguna sa listahan para sa ‘yo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *