Sikat na chocolate drink, inireklamo ng isang ina dahil sa nangyari sa anak

Sikat na chocolate drink, inireklamo ng isang ina dahil sa nangyari sa anak

Nag-viral sa social media ang isang Facebook post ng isang netizen na inirereklamo ang isang sikat na brand ng chocolate drink.

Sa post ni Jocelyn Guerero Sales, ibinahagi niya ang naging karanasan ng kanyang anak sa nasabing inumin.

Nagpaalala rin siya sa lahat na maging maingat sa mga ipinapainom sa mga anak.

“Mga mommies na mahilig magpainom ng chuckie sa mga anak hanggat maaari po tikman nyo muna bago nyo ibigay sa anak nyo,kagabi po kase nakabili kame sa tindahan ng chuckie”

Bagama’t malayo pa raw ang expiry date ng nabili nilang chocolate drink, tila kakaiba na ang lasa nito.

“malayo pa po ang expiration nya January 2022 pa pero yung chuckie po sira na nainom po ng baby q buti nalang at hnd nya naubos kse nalasahan nya.”

Inireklamo raw ito ng anak niya dahil sa kakaibang lasa nito, kung kaya’t maging siya ay tinikman ito.

“sabi nya nya mommy bakit lasing iniipis po kya tinikman namen pag tikim namen ang panget talaga ng lasa kaya dinura din namen”

Di nagtagal ay nagsuka na umano ang anak niya kung kaya’t isinugod na ito sa ospital.

“maya maya po sumuka na baby q mayat maya ang suka kaya tinakbo na namen sa ospital, ingat po tayong lahat…

“sa hirap ng buhay ngayon yung inipon qng pampaanak q nauuwi sa pambayad sa ospital dahil sa chuckie, ngayon po anytime pwede nq manganak namroblema po tuloy aq saan kukuha ng pampaanak q nkkstress kang chuckie ka huhuhu”

Ikinuwento rin niya na maging ang budget na itinatabi niya para sa panganganak ay nagalaw na nila dahil sa nangyari kung kaya’t humihingi na rin siya ng tulong sa mga netizens.

As of this writing, wala pang official statement mula sa brand na ito ng chocolate drink.

Samantala, sa kanyang latest post, nagbigay ng update si Jocelyn tungkol sa kanyang anak.

“sa lahat po ng nag memessage saken kung okey naba ang baby ko maraming maraming salamat po.

“kahit hnd ko po kayo kilala kinakamusta nyo po baby ko salamat po sobrang daming nangangamusta sa baby q yung mga hindi q pa kakilala sobrang thank you po sa concern nyong lahat..

”opo okey napo ang baby ko salamat po sa Mahal na Panginoon God Bless po sa inyong lahat”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *