TRENDING: Si Migs Bustos nga ba ang bagong TV Patrol weatherman na kapalit ni Kuya Kim?

TRENDING: Si Migs Bustos nga ba ang bagong TV Patrol weatherman na kapalit ni Kuya Kim?

Naging mainit na topic sa social media ang ABS-CBN news reporter na si Migs Bustos nitong mga nakaraang araw.

Ito ay matapos lumutang ang pangalan niya bilang kapalit umano ni Kuya Kim Atienza na ngayon ay lumipat na sa bakuran ng GMA-7.

Si Kuya Kim ang naging tagapag-ulat ng lagay ng panahon sa TV Patrol sa nakalipas na halos dalawang dekada.

At sa paglipat nga nito sa kabilang network ay naging palaisipan sa mga netizen kung sino ang papalit bilang weatherman ng TV Patrol.

Sa latest YouTube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz ay pinangalanan nito na si Migs nga ang papalit sa naiwang puwesto ni Kuya Kim.

Si Migs ay isa ring Kapamilya reporter na dating napapanood sa ABS-CBN Sports + Action at sa ANC.

Ilang beses na rin siyang naging kahalili ni Kuya Kim sa TV Patrol sa tuwing ito ay absent, kung kaya’t pamilyar na siya sa mga masugid na tagsubaybay ng nasabing newscast.

Dahil sa balitang ito, tila naging excited ang ilang loyal Kapamilya viewers.

Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento.

 

Abangan na lang natin sa Lunes kung si Migs nga ba talaga ang magiging kapalit ni Kuya Kim sa naiwan niyang trono.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *