Viral video nina Ivana Alawi at Marco Gumabao, patuloy na pinag-uusapan

Viral video nina Ivana Alawi at Marco Gumabao, patuloy na pinag-uusapan

Usap-usapan pa rin sa social media ang isang viral video tampok sina Ivana Alawi at Marco Gumabao.

Nanggaling ang nasabing video sa Instagram (IG) stories ni Ann Murphy (@annmurphy__).

Makikita sa video sina Ivana at Alawi na masayang nagkakantahan kasama ang isang grupo ng kanilang mga kaibigan.

Tila kuha ang nasabing video sa isang KTV bar.

Marami ang nasabing video na nasa IG stories ngunit naging agaw-pansin ang isang video.

Makikita sa nasabing video na nakapatong ang kaliwang kamay ni Marco sa kanang hita ni Ivana.

Dahil sa nasabing video, marami tuloy ang napatanong kung may namamagitan na nga ba sa dalawa?

Si Marco na nga ba ang nakabihag ng puso nayon ni Ivana?

Panoorin ang nasabing video dito.

Walang ibang detalye na nakalagay sa nasabing IG stories maliban sa mga naka-tag na kasama rito.

Hindi pa rin malinaw kung bagong video ito o isa lamang throwback post.

Kapansin-pansin kasi na maigsi ang buhok ni Ivana.

At kung sa isang KTV bar nga ito, maaaring hindi bago ang video dahil sarado pa ngayon ang mga establishment gaya ng KTV bar dahil sa pinaiiral na community quarantine na dulot ng pandemya.

Mabilis na kumalat ang nasabing video at ang ilang larawan o screenshot galing dito.

Subalit dahil sa latest vlog ni Ivana kahapon, October 13, tila nakumpirma na recent o bago lamang ang nasabing video.

Sa vlog kasi ni Ivana ay ipinakita niya na nagpaayos at nagpagupit siya ng kanyang buhok.

Maigsi na ang buhok niya ngayon na tila kapareho na ng buhok niya sa nag-viral na video.

May ilang netizens tuloy ang napakomento na bago nga lang talaga ang video na nag-viral.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“So, confirmed? Recent lang ang video?”

“Wow! Short hair na nga si Ivana! Ganyan yung nasa viral video.”

“Bagay naman sila. Maganda at gwapo. Pareho pang yummy.”

“Single naman sila, okay lang yan. Kesa naman sa iba na may sabit pala.”

“Kilig naman sa dalawa! Sana nga totoo.”

“Baka naman malisyoso lang tayo. Hahaha! Baka talagang touchy lang si Marco.”

“Uy, baka naman nakahawak lang sa hita ni Ivana si Marco as a friend? Hahahaha”

“Kapag nakahawak sa hita, jowa agad? Hahaha! Pero siguro nga. Mukhang iba ang pagkakahawak eh. Hahaha”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *