Willie Revillame, iiwanan na ang GMA-7 show na ‘Wowowin’?

Willie Revillame, iiwanan na ang GMA-7 show na ‘Wowowin’?

Naging palaisipan sa mga tagapanood ng GMA-7 show na Wowowin ang naging pahayag ng host nito na si Willie Revillame.

Tuluyan na nga kayang iiwan ni Willie ang nasabing show?

“Sa tamang panahon, sasabihin ko po ‘yung magiging desisyon ko at sasabihin ko dito sa programang ito. Mawala man ako gusto ko meron pa ring isang host na makakausap n’yo.”

Sinabi rin ni Willie na hindi madali para sa kanya ang pagdedesisyon kung kaya’t pinag-iisipan niya itong mabuti.

Kung matuloy man daw ang pag-alis niya sa programa, nais niyang magpatuloy pa rin ito dahil alam niyang marami itong natutulungan.

“Ipagdadasal ko ‘tong mabuti, pag-iisipan ko ‘tong mabuti pero sana ho, nakikiusap ako, tuloy-tuloy pa rin ang programang ito.

“Ang ganitong programa hindi dapat nawawala. Itong programang ‘to ay dapat laging nandyan. Kasi ho, itong programang ‘to walang halong pagdadamot, walang halong pagkukunwari, galing po lahat sa puso ang pagbibigay ng saya at tulong dito.”

Nilinaw din niya na wala pa naman siyang final decision ngunit nangako rin siya na ang mga viewers niya ang unang makakaalam sa kung anuman ang magiging desisyon niya.

“Sa tamang panahon, sa tamang oras, sasabihin ko kung ano ‘yung magiging desisyon ko sa buhay ko. Iniisip ko lahat, sa bawat kasama ko sa industriyang ‘to.

“Wala pang desisyon, meron pa rin tayong Shopee, meron pa ring bigayan, nagbibigay pa rin ng saya.”

Matagal na ring may usap-usapan na maaaring pasukin ni Willie ang mundo ng politika at kumandidato sa pagka-senador sa darating na May 2022.

Matatandaang si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang kumikumbinse sa kanya para kumandidato.

Agad umani ng reaksiyon mula sa kanyang mga tagapanood ang nasabing pahayg ni Willie.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“I think He’s joining politics through President Duterte’s calling.”

“Wag kana pls pumasok sa politics. Madami ka naman natutulungan kahit wala sa politics eh”

“Drama mo tatakbo ka lang ng senador ang tagal mo pang sabihin.”

“Wag napo kayo tumakbo sa politika marami pong maninira sa inyo at masisira Ang image nyo”

“kng ano desisyon mo kiya will susuporta kami alam naman namin na tutulong parin kau sa mahihirap”

“kuya wil kung Alam mong pagod kna kung gusto monang magpahinga dahil nahihirapan kna ok soportahan ka  namin kuya wil sa ung papalit sayo katulad Ng ugali mo na mabait at may puso sa mga mahihirap”

“Okay ka na dyan sa showbiz, wag mo na pasukin yung hindi mo naman linya.”

“Wowowin will never be the same without Willie.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *